Isang Sulyap sa Lungsod ng Baguio

Posted: September 30, 2010 in Uncategorized
Tags: , , , , , , , , ,

Ilang ulit na din akong nagpabalik-balik sa lungsod ng Baguio. Nakita ko ang pagbabagong idinulot ng mabilis na pag-unlad ng panahon. Kung iisipin dapat na nga yatang palitan ang pangalan ng Baguio. Summer Capital of the Philippines na kung iyong titignan mas bagay na itong tawaging The City on Top of the Mountain.

Nagsimula ng magtayuan ang napakadaming gusaling nagsisilbing pailaw ng mga bundok sa gabi. Nagsisimula na ring magsanga-sanga ang mga sementong kalsada sa mga taas babang bundok ng lungsod. Nakakalungkot isiping ang malamig na klima sa Baguio ay mararamdaman na lang sa gabi, madaling araw at kung tag-ulan. Nakakainis na din ang pagdami ng sasakyan na siyang lalong nagpapalala ng polusyon at nagpapahaba ng trapiko sa lungsod. Kung ating babalikan, dati ay masarap maglakad sa Baguio dahil sa malamig at sariwa nitong hangin.

Nagsimula ng magtayuan ang naglalakihang bahay at nagtataasang gusali na kung ikaw ay pupunta ngayon sa Mine’s View, wala ka ng makikita kundi bubong at gusali. Ang simpleng pamumuhay sa Baguio ay napuno na din ng mga aliwan at bar na kalimitang pinagmumulan ng away sa naturang llungsod. Ang pagdami ng mga establisyimento at pagtaas ng pangangailangan ng taong patuloy na lumalago sa bilang ay naging sanhi na din ng pag-apaw ng basurang kinokolekta sa bawat bahay. Kung iisipin parang inilagay mo na ang kalakhang Maynila sa tuktok ng bundok.

Sabi nga isa sa di maiiwasan ang pag-unlad at kaagapay nito ang madaming responsibilidad. Responsibilidad sa kapwa, sa gubyerno at sa kapaligiran. Respeto, iyan ang unang kailangang isa-alangalang sa isang maunlad na bayan, respeto hindi lamang sa tao kundi maging sa kalikasang pinagkukunan nito ng kanyang yaman at ikabubuhay.

Sa kabila ng kapabayaan ng ilan ay nakakatuwang isipin na meron pa ding iilan na nais panatilihin ang kagandahan ng Baguio. Ilang tao na patuloy sa paggawa ng bagay na makakatulong sa pagpapanatili ng kung ano man ang natitira sa lungsod.

Ang Baguio ay nagsisilbing tahanan at paaralan ng madami kong kaibigan at kamag-anak. Sana sa paglipas ng panahon maisip ng iilang tao na minsan ay babalik ang kalikasan upang maningil sa ating inutang.

Comments
  1. tin says:

    hi, i hope ur still maintaining this blog. I would like to inquire about the traffic pic above. Is it yours? I am making a poster and I would like to use it if it’s alright. please email me your reply. Thanks.

    • nadnad12 says:

      sorry for the late reply, i will be transferring my blog to another site, anyway, regarding your inquiry, its just a random pic from google, and it doesn’t say anything about privacy or copyright so i think you can use it.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s