Mga Naging Epekto ng Hostage Crisis

Posted: August 26, 2010 in Uncategorized
Tags: , , , , , , , , , , ,

Para hindi maging base sa mga haka-haka at hula lamang minabuti kong maagpahuli sa kung anong epekto ang idudulot ng hostage crisis na naganap noong Lunes, ika-23 ng Agosto taong 2010. Mahirap kasing manghula ng di pa nangyayare. Pero kung sabagay, ilan sa mga hinulaang epekto ay nagkatotoo naman, ngunit ang ilan ay hindi na nahulaan. Dahil dito, minabuti kong mangalap ng ilang bagay na naganap at nangyare pagkatapos ng hostage crisis.

1. Pinagbawal ng HK Government ang pagpunta sa Pilipinas.

Code black nga kung titignan, pero naisip ba natin? Paano na lang ang mga OFW na nasa HK at paano naman yung mga HK nationals na nandito?

2. Naging topic siya sa mga tambayan, tindahan, palengke, opisina, at mga paaralan. Pustahan naging lesson pa yan sa History isama na ang Religion, Homeroom pati na din siguro Math pati na rin Science at ilang major subjects sa kolehiyo.

3. Naging instant ang kasikatan ni Rolando Mendoza.

Di natin inaasahan na mas magiging sikat pa siya kaysa kay Kris Aquino at James Yap. Si Rolando Mendoza live pa sa CNN at BBC isabay mo pa ang pagcancel ng noon time shows, si Kris at James ni hindi nareport.

4. Nalaman natin ang tunay na ibig sabihin ng SWAT at nakita na din natin sila sa tunay na buhay.

Kung iisipin di nga naman mabuti ang pagbibigay ng kakatwang pangahulugan ang ating kapulisan, ngunit tayo na mismo ang nakakita kung gaano sila kakulang sa pagsasanay. Isang tao, dalawang baril at isang bus sa isang malawak na kalsada. Ilan sa mga post at reaksyong nabasa ko sa ilang social networking site ang nagsasabing mas mabuti pang mga naglalaro na lang ng counter strike ang pinadala sa hostage site.

5. Nagkaroon siya agad ng mga fan page na ngayon ay meron ng 32567 fans.

Aminin nating di naman gagawa ng ganoon ang isang tao ng walang kadahilanan, ngunit aminin din nating masama talaga ang ginawa niya. Pero ang tanong, anong tulong ng mga fan page at hate page sa nagawa na niyang mali?

6. Napagalitan ang Media, nagkasisihan at nagturuan kung bakit nga ba nagkaroon ng ganitong hostage crisis.

7. Nalamangan ni Rolando Mendoza si Binayug na nangtorture umano. Husgahan niyo sila dito.
http://tunaynalalake.blogspot.com/2010/08/tnl-heads-up-battle-binayug-vs-mendoza.html

8. Instant tourist destination.

-local tourist pa lang yan. mga estudyanteng napagutusang bumili ng toyo ng principal, nailagay ata sa utak.

-mas malupit, binatikos na nga ang kapulisan, nakuha pa nilang magkuhanan ng litrato.

– syempre di din papahuli ang SOCo sa mga ganitong destinations.
Kung susumahin, aantayin ko na lang na ipalabas ng Trip na Trip at Balikbayan tong lugar na to bilang isang “certified tourisy destination”

9. Dahil din sa naganap, sinasabing milyun-milyong pera ang mawawala sa turismo ng bansa. Napanood ko kanina sa news na sa isang hotel halos 600,000 pesos ang nawala sa kita nila dahil madaming HK nationals na ang nagsimulang magpacancel ng kanilang mga byahe sa Pilipinas. Bukod pa dito ang ginagastos nila kapag nandito sila, na ayon sa report ay maliit na ang $1000 pag nagpupunta sila dito.

10. Ilang MENDOZA na ang pinagkakamalang kamag-anak nitong si ROLANDO MENDOZA.

-sa di malamang dahilan, lahat na ng Mendoza e pinagbibitangang kamag-anak at tinatanong kung bakit nga ba ginawa yun ni Mang Rolando. Kung mag-aaadress sana ng tao isama yung first name dahil nadadamay ang madami. haha

Ilan pa lang ang mga ito sa nakita ko sa ilang social networking sites at sa telebisyon ialng araw makalipas ang hostage crisis, kung sakaling may mapansin ulit ako, wag kayong magalala, idadagdag ko siya.😀

HAPPY HOSTAGE READING

Comments
  1. Marielle says:

    just to correct you: nangyari yung hostage taking ng ika-23 ng AGOSTO at hindi September🙂

    nice blog post🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s