bakit ako magsusulat

Posted: July 8, 2010 in Uncategorized

Ang bawat manunulat daw ay may prinsipyo at mga batas na sinusunod sa pagsusulat, may mga dahilan at adhikain sa bawat likhang kanilang ginagawa. Maaring ito ay personal na karanasan, mga pinaniniwalan, mga bagay na pinaglalaban o kung minsan naman ay kung ano ang bago at mga kaganapan.
Kung ako ang tatanungin kaunti lang ang dahilan kung bakit nagaaksaya ako ng kuryente at pagod sa bawat pagsusulat ko (o pagtipa ng keyboard ng computer). Naisip kong di naman lahat ng bagay kailangang may dahilan, pero kung patuloy kang gagawa ng bagay dahil trip mo lang o wala kang magagawa, mawawalan na din to ng saysay sa kalaunan.
Heto ang ilang bagay na nagbibigay sa akin ng drive magsulat. Dinamihan ko para magkasaysay naman siya.

1. Nais kong gumaling sa larangan ng pagsusulat. Gusto ko kasing kahit papaano mailagay man lang ako sa mga librong aamagin pagdating ng panahon. Di naman buong libro kahit isang pahina lang ng isang libro o kahit parte lang ng isang compilation.

2. Maraming nagsasabing wala kang mararating sa pagsusulat, para sa akin, mas marami kang mararating kung nagsusulat ka. Kailangan mo ng bagong environment para magkaroon ka ng bagong idea> para may maisulat ka.

3. Ligalig ang utak ko, na minsan nagiisip pa lang ako ng isang bagay, may mga bagong ideya na namang lalabas sa ulo ko, na minsan kinukonekta ko na lang sa naunang ideya na siyang bumubuo ng madaming ideya na minsan halo halo na at pati ako naguguluhan na. Naisip ko lang na kapag nagsulat ako baka sakaling maayos yung organization sa ulo ko.

4. Masarap magsulat. Nagagawa mo sa kwento o artikulo ang mga bagay na ni sa hinagip ay alam mong malabong mangyare. Malawak daw ang imagination ko. Yun na din siguro yun kaya madami akong naiisip.

5. Takbuhan ang problemang dulot ng mundong ibabaw. May kakaibang pakiramdam kapag ang iniiisp mo lang ay kung ano na ang pupuntahan ng iniisip mo at ikukwento mo. Mas maayos na yung ganun, kasi madaling hanapan ng solusyon. Nakakabawas din ng stress at minsan pakiramdam mo nanalo ka na ng gintong medalya sa isang takbuhang sing haba ng di mo pa naman natatakbo.

6. May ilang taong nakakaalam na mahilig akong mangialam, lalo na pagdating sa mga kwento. May ilang proyekto ding ginalaw ko ng kaunti ang dulo at pinalitan ng alam kong mas swak sa panlasa ng manunuod. Ilang adaptation na nagmukhang gawa ng sarili kong kamay, yung tipong may material ka na aayusin mo na lang.

7. Marami sa mga kaibigan ko ang nakakakita ng ugali kong ito at pilit pinagtulakang ipagpatuloy ko ito at gawing propesyon, nakakalungkot lang na ang utak sa bansa natin ay di binibigyang halaga. Sabihin na nating, matalino lahat ng artista, pero kung susumahin ang nagbibigay sa kanila ng galing at drive para lumabas yung talino at galing nila ay ang kwentong binuo ng WRITER. Yung kwentong pinagpuyatan at inilaban niya sa direktor dahil dragging daw siya, samantalang trabaho niyang gawing hindi dragging ang isang kwento.

8. May ilang taong nagsabing, imbes na manigarilyo ay gawin kong pampaantok ang paggawa ng blog entries. Nakatulong naman siya sa akin. Naiwasan ko ang pag-inom at paninigarilyo hanggang madaling araw. Di ko din naman siya napagpatuloy, dahil sa bahay sulat kamay ang ginagawa ko at talagang nakakapagod siya. Maganda yung ilang nasulat ko pero hindi ko masasabing nakatulong siya sa akin.

9. Pangarap kong manalo ng PALANCA AWARD. pangarap din siguro ito ng bawat manunulat. Pero para kasing isang malaking karangalan ang malathala ang gawa mo at minsan maging requirement pa siya ng ilang kabataan.

10. Naisip kong, bukod sa kaaliwan, minsan kailangan ng bayan ang isang manunulat para umunlad. Sa isang bayan na hindi pinapahalagahan ang talino at galing, naisip ko namang malaking kabayaran na ang makita mong mulat ang bawat Pilipino sa nangyayari sa kanilang sariling lupa. Sadyang may mga bagay na di mo na kayang baguhin, pero may ilang bagay na kaya mong simulan.

Isang pamulat sa bayan ang layunin nitong manunulat na sa bawat pawis na papatak, hangad niya ang pag-unlad. Corny sa iba, makabayan sa ilan, bayani para sa kaunti. Ginawa si Rizal, bakit di mo kayang gawin?

Masyado ng seryoso. Natatawa lang ako. bahala na kayong humusga.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s