BALIK ESKWELA TIPS version 1 (Pagtitipid)

Posted: June 14, 2010 in Uncategorized

Tapos na ang bakasyon at balik eskwela na naman. Masaya na naman ang ilang estudyante dahil may allowance na sila. Dagdag pa ang kickback at kung anu-anong gastos na hihingin sa magulang. Kung iisipin, talo pa ng mga estudyante ang mga holdaper sa university belt. Sa ilang mag-aaral na di na pinagkakatiwalaan ng kanilang magulang eto ang ilang tips na pwede mong gawin para makahingi ka pa rin ng dagdag na allowance o di kaya’y makatipid.

1.Huwag mong dadalhin ang parents/guardian mo sa school kapag enrollment. Malalaman kasi nila kung magkano ang iyong tuition fee. Siguraduhin ding nakatago ang tunay mong tuition fee receipt. Kung kailangan mo ng resibo o COM punta ka ng Recto. P200-P500 lang isa.
2.Huwag mong gagamitin ang DOTA/RAN/RAGNAROK at kung anu-ano pang online games na pangalan ng subject o projects. Hindi mo alam, kapag umaalis ka ng bahay naglalaro din sa shop ang mga magulang mo.
3.Huwag kang magpapakilala ng barkada sa bahay at iwasang magiwan ng contact number ng katropa mo kung saan saan dahil puwede silang tawagan ng parents mo.
4.Kapag trip mong gumimik, di pa naman nalalaos ang mga palusot na study group, project at thesis. Pero kung first year ka pa lang, wag ka munang mangarap dahil pang fourth year lang ang thesis.
5.Kapag nasa medical field ka naman at madalas kayong may laboratory, pwede mong araw arawin ang pagbili ng test tube, cork, beaker, at kung anu-anong kemikal tulad ng lead, cadmium, plutonium, lithium at kung anu-ano pa. Ikaw na bahalang magpatong ng presyo. Siguraduhin mo lang na di siya familiar sounding tulad ng oxygen at calcium.
6.Kung malayo ang iyong inuuwian, hanapin mo ang pinakamahabang daan papuntang school. Yung tipong makaka isangdaang sakay ka bago dumating sa klase. Sabihin mo mahal pamasahe kasi madaming sakay. Pag nakuha mo na yung pera, mag shortcut ka na.
7.Subukan mong magbenta ng kung anu-ano. Mabenta ang ballpen, ¼ sheet, ½ lengthwise at crosswise, 1 whole sheet, bond paper at lapis, eraser at magparenta ka na din ng pantasa.
8.Gawan mo ng assignments at thesis ang mga classmates mo. Malaking tulong din ito kasi pwede na nilang sagutin ang lunch at merienda mo. Huwag mo lang kalimutang hindi mo yan assignment at hindi mo dapat pangalan ang nakasulat.
9.Kung nangungupahan ka naman at nakatira sa apartment na kung saan pwede maginom, parentahan mo sa tuwing magiinom mga kaklase mo. Dagdag income din yun, libreng inom pa na minsan may libreng boso at live performances.Mag-imbak ka na din ng alak at pulutan para sa’yo na din sila bibili.
10.Para makatipid, ugaliing magbaon at sumama sa may mga baon. Makikain ka muna sa kanila, parang pack lunch. Dala mo rice dala nila ulam. Kung walang nagbabaon, maghanap na ng murang kainan, sa mga back door ng mga paaralan may mga murang kainang swak sa panlasa, kaya ng bulsa at nakakasira ng sikmura. Kung magkakasakit, humingi ka ng pampacheck-up tapos diretso sa school clinic pagkat libre doon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s