KAMPAY SABAY TAGAY

Posted: June 10, 2010 in Uncategorized

kung antikman mo na lahat to ibig sabihin manginginom ka na

“Kashe, ayam myo, minshan, hindyi kyo nya ayam yung gyinyagyawa kyo shapag lashing nya akyo”. Yan yung mga kadalasang palusot ng lasing. Kung di ako nagkakamali ay ganan din sila magsalita. Hindi ko din alam kung bakit nagkakaganyan ang mga tao sa tuwing umiinom. Gumagawa ng mga bagay na kinabukasan ay pagsisihan nila o di kaya’y ipipilit nilang di nila ginawa. Sa daang beses na napasabak na ako sa inumang umubos na din ng libong litro ng alak, nagdala ng daan-daang away, bumuo ng mangilan-ngilang bata, tumapos at bumuo ng bagong samahan, nagpalabas ng galon-galong suka at nagpadaloy ng ga-ilog na luha, ngayon ko lang napagtanto, ano nga bang naidulot ng alak sa bawat lalamunang sinayaran, bawat sikmurang pinahapdi at utak na binuhol? Alam na nating madaming masamang maidudulot ang alak, pero aminin nating di natin ito basta basta maiiwasan.

para sa mahaba-habang inuman

Kaya heto ang ilang bagay na dapat tandaan sa tuwing dadayo o pupunta ka ng inuman. Para kung malasing ka man wala kang pagsisihan kinabukasan.

MGA BATAS NG INUMAN

1.Hard o Beer- alamin mo kung san ka mas malakas uminom at kung san ka mas mahina. Para tantyado mo kung kelan ka mandadaya.
2.North East West South- alamin mo kung saan kayo magiinom, kung saan yung banyo, saan pwedeng sumuka (i.e. plantbox/bucket/inidoro/lababo/kanal/tabo/timba/planggana/bag/ katabi) Kung maari alamin din kung saan ang sakayan at huwag kalimutan ang daan pauwi sa sariling bahay.
3. Don’t leave your valuables unattended- hindi maiiwasang may mag nenok sa mga importanteng gamit (i.e. cellphone/wallet/ipod/psp/pati na rin puri). Bukod sa puri mas talamak ang nakawan ng LIGHTER at taguan ng YOSI kahit na ikaw bumili.
4. Don’t talk to strangers- pag dayo ka lang o may dayo, kilalaning mabuti. Maigi ng alamin ang pangalan at apelyido para alam kung sino ang ipapa-blotter sa barangay. Kung may valid ID hingan para lang sigurado.
5.TRUST rule- kung alam mong malibog ka, huwag mong kakalimutang magdala nito, minsan sa sobrang kalasingan napapa-aga ang bagong taon.
6.BED SCENE RULE- siguraduhing tanda mo ang pangalan ng katabi mo, baka siya na ang maging ama/ina ng panganay mo.
7.Insurance RULE- kung may dalang auto siguraduhing insured kahit comprehensive lang. Siguraduhin na ding insured ka sa ospital at may nakalaan ka ng pambayad sa punerarya. Kawawa naman pamilya mo kung pati yun poproblemahin pa nila.
8.REXONA Rule- di lahat ng inuman presko at may ventilation, mag deodorant ka kung alam mong mas malakas ang tama ng BO mo kesa sa alak. Para na rin magamit mo yung number 5.
9.TELESERYE RULE- hindi lahat ng tao mahilig sa drama. Kung may hinanakit ka sa mundo angkinin mo na lang muna. Hindi lama yang pinuntahan mo kaya wag mong tangkaing umiyak. (madalas magpaluha ang PANSIT dahil hatid nito ay drama, kaya iwasan niyo)
10.RULES OF ENGAGEMENT- lahat tayo malakas ang loob pag lasing. Iwasang manligaw at sumagot ng manliligaw kapag nasa impluwensiya ng alak. Ikaw din baka bukas single ka na ulit.
11.PICNIC Rule- tandaang hindi picnic ang inuman. Makikipag-inom ka para sa alak ang pulutan ay bonus lang. Kung gutom ka humingi ka ng kanin.
12.Nestea Rule- Hindi lahat ng chaser bottomless pag naubos yan, tubig na ang susunod.
13.LAMAY RULE- nagpunta ka sa inuman kaya panindigan mo. Kung nasusuka ka sumuka ka pagkatapos uminom ka ulit. Kung inaantok ka humingi ka ng kapeng gagawing chaser. Huwag kang mangiiwan ng kainuman hangga’t di nauubos ang alak.
14.VIDEOKE RULE- pwedeng kumanta kahit sintunado, siguraduhin lang na pag wala na ang tama ng alak titigilan mo na kasi wala ka ng excuse.
15.PTA- iwasang iparinig at ipaalam sa magulang at mga guro kung saan magiinuman. Baka bigla silang dumating at magkadramahan kayo, sa ibang lugar pa.
16.JANSPORT RULE- kung sakaling mahuli ka ng magulang mo, siguraduhin mo na munang nakapagempake ka na ng gamit. Baka lang palayasin ka na.
17.LOWBAT- bago pa magsimula ang inuman itext na ang mga sumusunod na nilalang: magulang/gf/bf/nililigawan/lola/guardian/sundo/pulis/kapitan/pati kapitbahay/maligno/boss/asawa/anak/apo/aso/pusa/yaya/dormmate/2366/8888 ng—“lowbat aq txt u l8r. mkkcharj muna me. Bka dina me umuwi. Thanks”
18.PADLOCK RULE- kung ayaw mong mauwi sa number 5 siguraduhing may padlock ang damit at may barb wire ang panloob. Ikaw din baka mauwi yan sa number 6.
19.BANAT RULE- iwasang bumanat ng korni dahil baka bumalik lang ang banat mapagtripan ka pang gawing clown hanggang matapos ang inuman, baka magdamdam ka pa at mauwi pa yan sa number 9.
20.THE GARCI RULE- matutong mandaya ng tagay at dayain ang tanggero. Hindi mo alam yung iniinum niya kalahati na lang ng iniinom mo. Kaya dayain mo din siya. Huwag ka lang papahuli. (abangan ang daya tips sa mga susunod na araw).
21.POKER FACE- huwag kang papahalatang lasing dahil baka mapagtripan ka.
22.24 SEC SHOT CLOCK- kung sasagi ka ng paa o anumang parte ng katawan, iwasang lumagpas sa 24 na segundo. Mapagkamalan ka pang manyak at kung mapagpatol yung nasagi mo baka umabot pa kayo sa rule number 6.
23.NO VISITORS ALLOWED- wag magentertain ng manliligaw o bisita sa inuman kung hindi mo bahay lalo na kung makikishot lang at walang dalang alak.
24.NO RETURN NO EXCHANGE- kung tagay mo na inumin mo, wag mong patagay sa iba at wag kang magpa-pass dahil hindi laro ang inuman.
25.UFC RULE- sa tiyan mo ilagay ang alak, huwag sa ulo. Kung pangarap mong maging champion sa boxing o anumang martial arts hindi inuman ang tamang lugar.
26.LIBRARY RULE- kung wala ka din naming sasabihing matino, tumahmik ka na lang. Iwasan din maglabasan ng sama ng loob at manermon mauuwi to sa number 9.
27.DRAG RULE- wag kang mandarag ng kahit na sino pag lasing ka na. Kasama dito ang panduduro sa ilong ng mas matangkad sa’yo.
28.TAGAY RULE- lahat ng tao may kanya kanyang lakad, wag mong antaying tubuan ng ginseng ang tagay mo at wag kang magtira ng latak. Minsan kasi laway mo lang yun.
29.CLEANERS- tumulong sa pagliligpit ng mga kalat minsan pakiramdam natin sa bar tayo umiinom, wag tayong feeling kasi baka dina maulit ang inuman.
30.HUWAG NIYO AKONG KALIMUTANG IMBITAHAN SA INUMAN!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s