Isang Stick ng Yosi

Posted: June 9, 2010 in Uncategorized

"sa bawat hit hit minuto ng buhay mo ang nauupos"

Laging sinasabi sa akin na nababawasan ng ilang minuto ang buhay mo sa tuwing uubos ka ng isang stick ng sigarilyo. Oras sa bawat kaha at araw sa isang ream. Buwan sa isang karton na halos kalahati na ng taas ko. Taon sa isang trak at dekada sa bawat shipment ng tonetoneladang yosi sa bagsakan sa pier. Kung susumahin nga malapit na akong mamatay. Tantya ko sa edad na bente y sinco o mas maaga. Sa libo o milyong shipment, malamang nasa isang porsyento nun ang nakunsumo ko. Tila pugon kasi kung humithit ako ng yosi.

Ayon sa ilang pag-aaral, nakakadagdag daw sa polusyon ang usok na binubuga sa bawat yosi. May mga kemikal daw na sangkap daw ito. May kung anong Carbon dioxide, Lead at sana kung minsan hinihiling kong may Gold at Silver din, makabawi man lang ng kaunti sa bawat dalawang pisong pinambibili ko ng isang stick. Noong nalaman ko ito naisip ko na mabuti na rin pala at binago ko ang kurso ko bago pa nahuli ang lahat. Kung hindi man, siguro sa akin na naghihingian ng sample na kemikal ang mga kaklase ko na gagamitin sa microbiology o yung titignan nila sa microscope. Buti na rin at iniwan ko yung kursong yun kundi, iniisip ko na siguro ngayon kung anu-anong kemikal na ang sumisira sa mga cells ng katawan ko. Mga cells na siyang bumubuo ng tissues. Tissues na bubuo naman sa organs at mga organs na parte ng iba’t ibang system. Yung system na tao na siguro ang binubuo, tulad ng reproductive system na siyang taga gawa ng tao.

Naalala ko noong highschool ako may pinaskil yung principal naming mukhang penguin sa bulletin board. Yung pinamigay ng DOH na litrato na itsura daw ng katawan ng mga taong naninigarilyo. Mukha siyang genetically engineered na alien. Kamukha siya ni Kokey pagkatapos magcrash ng isangdaang beses yung UFO niya sa Payatas.

eto yung pinamigay ng DOH

Hindi ko maintindihan kung matatakot akong maigarilyo o matatakot akong dumaan sa tapat ng bulletin board kapag ginagabi. Mananakot na nga lang sila yung di pa kapanipaniwala. San ka naman nakakita ng taong ganyan ang itsura. Kahit siguro buong buhay mong usok ng sigarilyo ang nilalanghap di ka magmumukhang ganyan.

Bago mag-highscool ng magsimula akong manigarilyo. Yung mga pinsan ko ang nauna sa akin, ginagaya nila si lola na binibilot lang sa papel ang hinihithit na yosi. Ang tanging pagkakaiba lang ay tabako ang laman ng yosi ni lola, samantalang ang sa amin kung hindi tuyong dahon ng papaya ay dahon naman ng santol. Hindi ko alam kung may epekto o sadyang maselan lang ako. Pero nakakaramdam ako ng kung anong sakit ng tiyan at pagkahilo sa tuwing humihithit ako ng yosing gawa sa tuyong dahon ng papaya o santol. Tila nagsisiga kami ng tuyong dahon at nilalanghap ang lahat ng usok nito. Pagkatapos nun, nagtuloy-tuloy na paninigarilyo ko.

Eto yung order ng mga yosing nahithit ko na:

1. HOPE- yosi daw to ng pokpok. hingal kabayo ka pagkatapos dahil sa sobrang haba.
2. MARLBORO RED- lasang sinisigang kahoy sa sobrang tapang.
3. WINSTON LIGHTS- kabag ang aabutin, utot ang dinudulot.
4. MARLBORO LIGHTS- (gold daw sabi ng mga takatak boys, girls, gays and tomboys) swak sa panlasa na kapag nasobrahan ay nakakasuka.
5. PHILIP MORRIS- (yung mahaba, wala pa kasi yung maikli noon) parang hope mas menthol nga lang yung lasa.
6.MARLBORO MENTHOL- ang sarap ng hagod pag may sipon at ubo, para kasi siyang Vicks na inaamoy
7. PHILIP BLUE- (eto na yung maikli) naimbento din, napagtanto siguro ng gumawa na mahirap ubusin yung mahaba.
8.DJ MIX- eto yung maraming kulay na minsan hindi tugma yung flavor sa karton at lasa ng filter.
9. GUDANG- may marijuana daw, sobrang tapang ng amoy na kahit ubusin mo yung bench na pabango e andun pa din yung amoy. minsan may fireworks pa siyang free.
10. MARLBORO BLACK- second version ng menthol pero hindi na parang umaamoy ng Vicks, para na siyang kinakain.
11. MGA IMPORTED NA YOSI- wag na nating isa-isahin kasi nakakatikim lang naman ako kapag may nagbibigay o kapag madaming pera. lahat kasi sila 3 digits ang presyo.
12. MARIJUANA- oo magastos din to, pag nag foodtrip ka. away pag laugh trip tapos katamaran pag na stuck-up ka.
13. FORTUNE, MENPHIS, MIGHTY, CHAMPION- mga yosing swak sa budget , nakakahilo pero murang-mura. sa mga inumang baryo pag no choice na eto na lang ang binibili. pwede rin siyang ihalintulad sa dahon ng papaya at santol.

Ang dami ko na din palang natikmang sigarilyo. Ibig sabihin bawas na bawas na ang buhay ko. Mamamatay na ako “soon”. Pero magmumulto naman ako. PROMISE!!!

Naisip ko lang din na nang dahil sa yosi ay natulungan kong mabuhay ng apat na taon ang pamilya ni Mang Jhun at Ate Beth sa Mendiola. Nakakilala ng mga taong mahilig manghiram ng lighter. Nagkaroon ng mga bagong kaibigang di ko na matandaan ang pangalan dahil nilalapitan ko lang sila kapag wala akong yosi. Nakatulong din ako sa pagpapayaman ng ekonomiya natin dahil di naman tax free ang sigarilyo.

Kung susumahin nga, masyado ng malaki ang naiambag ko sa Fortune International at Philip Morris Corp., tingin ko din yung mga naambag ko nakurakot na ng gubyerno. Tapos ngayon balak pa daw nilang taasan ang taripa sa mga bisyong Pinoy. Oo, kasama dyan ang yosi, alak, babae, pinagbabawal na gamot, paglalakad, at pagiinternet (ie. Facebook at Twitter), pati siguro panunuod ng showtime at teleserye magkaka taripa na din. Gawin na nila ang gusto nila, pero alam king nangangamba ang mga tulad kong “simboryo”, “pugon” at insenso ng pari kung magpausok kasi mahihirapan na silang manigarilyo. Hindi ba naisip ng gubyerno na paninigarilyo na nga lang ang pinakamurang bisyo. Sa nakikita ko eto ang ilang dahilan kung bakit pinagdidiskitahan ng pamahalaan ang yosi:

1.nagdudulot ito ng sakit (cancer, tuberculosis)- hindi na kasi kayang mangurakot pa ng gubyerno dahil kailangan munang ibili ng sub-standard na gamot ang mga Pinoy na nagkakasakit.
2.air pollution leading to global warming- masyado na kasing mahal magsponsor ng “FUN RUN FOR MOTHER EARTH” at “RUN FOR CLEAN AIR”.
3. nauubos na ang puno na pinanggagalingan ng papel- sa papel kasi gawa ang pambalot ng tabako, kaha ng yosi, ream at karton, isama pa ang sign sa harap na “SMOKING KILLS”.
4. para mas malaki ang makurakot nila na kunyare panggagawa ng kalsada at tulay na puro lang graba at aspalto. isama pa ang paggawa ng signage na “WELCOME TO BARANGAY YOSI” at no smoking signs (ie. BAWAL MANIGARILYO DUN KA SA BANGKETA)
5. para makaiwasa sa sunog at forest fires (yes may forest fires sa Pilipinas)
6. kasi laging hinihika yung gustong magpatupad ng dagdag taripa.
7. para kunyare Singapore tayo.
8. sa kadahilanang maraming magto-tropa na bonding ang paninigarilyo. (pasensya na lumaki silang LONER)
9. para wala ng mukhang astig sa mga kanto, di kasi sila makatambay sa kanto kaya mukha silang talunan.
10. mahirap ng kumuha ng sponsor sa fun run.
11. para tumigil na ang mga nag-aalok at naghahanap magdonate para i-save si Mother Earth, nakakasikip sila ng over pass at under pass sa Makati.
12. para di na magbara ang mag kanalat wala ng maligo sa dagat ng basura kapag may baha.
13. upang di na mapagod ang mga tindera sa pa-isa isang bili ng yosi.
14. makakabawas ng mga bad breath sa mundo.
15. makakatipid ng toothpaste at mouthwash, pati ng kendi (ie. maxx, snow bear at halls).
16. para tumigil na ang DOH sa pagprint ng nakakatakot na poster na madalas ipaskil sa mga bulletin board.
17. mabawasan ang mga tambay sa Starbucks na halos abutin ng bente kwatro oras dun kakayosi di naman bumibili.
18. para wala ng gumawa pa ng ganitong blog.
19. patigilin ako sa paggawa ng blog (nagsisimula pa lang ako).
20. World Peace (bahala na kayong i connect tong huli).

Ano man ang gawin ng gubyerno, mukhang kakailanganin ng masusing pagiisip ng stratehiyang pipigil sa mga Pilipinong kumunsumo ng sigarilyo. Hindi naman kasi tinitigilan ng tao ang isang bagay hangga’t di niya nararamdaman ang masamang epekto nito. Kapag nagsimula ka sa isang hithit, siguradong uubusin mo din ang isang stick na magtutuloy hanggang sa maging chain smoker ka na. Titigil ka lang naman kapag malapit ka ng mamatay, dahil maiisip mong mas mahal yung totoong gamot kesa sa yosi. Matatauhan din yang mga yan, ganyan ang Pinoy, di nawawalan ng pag-asa kaya, yosi lang ng yosi hanggang sa madala ka. O siya malayo pang matauhan ako. Yosi break muna🙂

Comments
  1. promoter says:

    wow, ang haba naman… the pictures are cool.. haha! pero nakakatawa ung content… hehe! pang mga ALAK SINGKO! wahahah

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s